What can i do for my country?
Alam nating lahat na ang pagbabago ay tinatawag nating "constant" , natatanging permanente sa mundong ito at hindi natin kailanman mahihinto ito.
Ano nga ba ang pinaglalaban ko?
Mayroon tayong tinatawag na, Past, Present and Future. Sabi ng propesor ko sa world literature sa pup na isang pilosoper, dating seminarista, graduate ng literature, at isang IT graduate (SYA NA!), Wala naman daw present! Dahil kung titingnan natin ang orasan, kalianman hindi ito huminto at lahat ng nadaanan ng kamay nito ay tinatawag ng past. Kung sa nanosecond ng computer ay may nagagawang processing dahil sa sobrang bilis nito, paano pa kaya ang Segundo na kaya lamang bilangin ng tao? Ibig sabihin, sa kada Segundo n gating buhay, may pagbabagong nangyayari. Ang mga nangyari na ay tinatawag kaagad na past. Therefore, walang present.
Ibig sabihin ba noon, na ang taong iniisip ang kanyang present lamang at hindi marunong magisip ng kanyang hinaharap ay walang patutunguhan? Dahil walang present eh! Ako kasi, naibabatay ko ang patutunguhan ng tao kapag siya mismo ay may nagawang kabutihan o pagbabago hindi lamang sa sarili nya, kundi pati sa kanyang bayan dahil paano mo matutungo ang iyong patutunguhan kung kakalimutan mo ang iyong bayan kung saan ka nanggaling?.
Ang problema sa ibang Pilipino ay ang kaya lamang nyang isipin ay ang ngayon. Never nyang inisip ang kahapon, at ang kanyang hinaharap kaya walang asenso. Sabi ng maraming tao, “the history repeat itself”. Sabi ko naman, the history does not repeat itself, people just don’t know or out of knowledge about their past because they are forgetting it that’s why they keep repeating what they have done. Kinakalaban nila ang salitang changes na may napakagandang kabuluhan. Bumabalik sila sa nagawa na nila. Paano kung ito ay puro kamalian? Ibig sabihin puro kamalian ang inuulit nila?
Sinabi ni Hugh White, “The past cannot be changed. The future is still in your power.” Maliwanag na ang tinutukoy lamang nya ay ang Past at ang Future. Kailangan nating matuto sa ating nakaraan. Kailangan nating alamin kung saan tayo nanggaling upang maging maliwanag sa atin ang ating patutunguhan. Sabi naman ng hindi kilala, “The past cannot be changed, forgotten, or erased. It can only be accepted.” Because learn from your own mistake! Sinabi naman ni Pnoy sa kanyang nakaraang SONA(State of the Nation Address) “Tayo ang hahawi ng ating Landas.” Tama nga naman. Bakit mo nga naman iaasa sa iba ang iyong landas. May kanya kanya tayong pagiisip.
Pagusaan naman natin ang sinasabi kong Patutunguhan (Future)
Maliwanag na sinabi ko na para sa akin, naibabatay ko ang patutunguhan ng tao kapag siya mismo ay may magagawang pagbabago sa kanyang bayan. Malaki man o maliit.
Isa sa natawa akong sinabi ng propesor ko sa world literature ay nang tukuyin niya ang mga OFW. Bakit daw sila naituturing na bayani samantalang ang ginagawa nila sa ibang bansa ay nagagawa din ng ibang tao dito sa pilipinas walang pinagkaiba. Biro pa niya, alipin sa ibang bansa? Bayani? Ang alam ko kasing bayani ay iyong may nagagawang PAGBABAGO sa bayan. Tulad nina Rizal at Bonifacio.
Ibig sigurong niyang sabihin, subukan mong tanungin ang karamihan sa kanila, karaniwang maririnig mo ay, mababa kasi sahod sa pilipinas eh. O di kayay walang asenso sa Pinas o di naman kaya’y gusto kong yumaman o guminhawa ang pamilya ko. Maliwanag na maliwanag! Ayoko nang i-elaborate. Maaaring totoo, maaaring hindi.
Alam nating lahat na marami din pilipinong propesyunal. Ihalimbawa nalang natin sa kurso kong IT or CS. Ngunit bakit walang Filipino OS tulad ng Microsoft Windows na ginawa ni Bill Gates na isang College DropOut pa or sikat na Filipino Social Network na tulad ng Facebook na ginawa ni Mark Zuckerberg na isang college Drop out din?! Dalawa lang sa example ngunit marami pang iba. alam kong kayang kaya din nating gumawa nun at mas innovative pa. Hindi lang IT or CS marami pang ibang kurso! Problema kasi sa ibang tao, kumita lang, wala na silang pakialam. Hindi ba nila alam na kung itong propesyunal na ito ay graduate sa isang state university, sila ay tinustusan ng gobyerno pra matuto at magcontribute sa pagbabago ng bayan? Kung ang mga ito ay nangibang/migrate sa ibang bansa saying ang ginagastos ng gobyerno na sana hindi nalang nila pinagaral dahil wala din namang ginagawa para sa kanyang bayan. Kumita lang, ayos na. may pagmamahal, pagmamahal sa sarili hindi sa bayan. Nasaan na ang pagasa ng bayan?
Meron pa, Ihalimbawa natin ang pinoy animators sa Disney. Kung ako sa kanila, tama na ang pagpapayaman, uuwi ako sa pilipinas at gagawa ako ng para sa pilipinas hind para sa Disney. Tulad ng isinaad ng isang koreano na concern sa Pilipinas. Sabi niya, dati ang korea ay mas mahirap pa sa Pilipinas. Ngunit ngayon, iba na. ano nga ba ang ginawa nila? Sabi ng koreanong iyon, lahat ng professionals sa kanila nagtulong tulong sa pagbabago ng korea. Ibig sabihin hindi nasayang ang pagtutustos ng gobyerno sa pagaaral dahil ang mga koreano ay mag pagmamahal sa kanilang bayan. Sa atin kasi, sayang talaga. Sabi nga ni Edmund Burke, “The Only necessary Triumph of evil is when good men do nothing.”
Alalahanin natin kung saan tayo nagmula. Kuntento ka na ba na ang buhay mo lamang ang kaya mong baguhin? Simulan natin ang pagbabago. Wag mong iasa sa ibang tao ang iyong buhay. Bobo ka kung ganun.
Now, as YFC tinuruan tayo ng Loving, Honoring and Serving our Country.
Sabi sa Jeremiah 1:5 “Before I formed you in the womb, I know you, before you were born, I set you apart; I appointed you as a prophet to the nation.”
Sabi naman ng di kilala “Hindi mo masasabing mahal mo ang Diyos mo hangga’t di mo pa minamahal ang bayan mo.”
Sabi naman ni Kuya Lloyd, “Change is synonymous to improvement. Improvement begins with ‘I’.”
Sabi naman ni Giuseppe Mazzini, “Love your country. Your country is the land where your parents sleep, where is spoken that language in which the chosen of your heart, blushing, whispered the first word of love; it is the home that God has given you that by striving to perfect yourselves therein you may prepare to ascend to him. “
Sabi ni Jose Rizal, “He who does not know how to look back at where he came from will never get to his destination.”
And
“The youth is the hope of our future. “
Nasaan ang kabataang magbabago ng ating bayan?
Nasa
Youth For our Country!
Youth For Change
Youth For Christ!
(this article may change)
nakakahiya man itong sinulat ko dahil hindi naman tlga ako writer or wala akong alam sa pagsusulat, pinost ko parin. read this guys..
Reality
--------
Change